Kabanata 193 Cindy’s POV Ilang araw ko nang hindi nakikita si Franikka, wala rin naman akong oras na hagilapin siya kasi busy rin ako sa paghahanap kay Lumier. Nababahala na talaga ako. Wala pa rin akong balita sa kanya. Bumibisita ako sa bahay ni Lumier at tinatanong si Manang kung nakauwi na ba ang kaibigan, pero wala pa rin daw talaga. Gusto nga sanang umuwi ni Manang sa kanilang probinsiya kaso nga lang walang mag-aalaga sa aso ni Lumier. Naawa naman ako kay Manang dahil nga ilang araw na siyang hindi nakauwi sa kanila. Wala namang problema sa pagkain at bayarin dahil ako na muna ang nagbibigay ng sustento habang hindi ko pa nakikita si Lumier. Nasaan na ba kasi ang lalaking iyon? “Maraming salamat, Cindy, maaari ka nang makauwi, ako na ang bahala

