Kabanata 142 Lee’s POV Isang linggo na ang nakalipas simula noong pumunta kami sa bahay ni Harold. Ngayon naman ay simula na ng final examination namin para sa darating na break. Kasama ko ngayon ang tatlo rito sa bench ng school playground at dito namin nagpasyang mag-review. Nakaramdam naman ako ng gutom, sarado ang Canteen ngayon dahil naubusan ng stocks kaya sa labas kaming mga estudyante bumibili sa ngayon. “Guys, lalabas ako ng school. May ipabibili ba kayo sa akin? Para isahang bili ko na lang.” “Sama ako,” “Anong sama? No, Alex. Tuturuan mo pa ako sa Math, saka kaya mo naman ‘yan, Lee, ‘di ba?” ani Marie na pinigilan si Alex sa kanyang braso. “Yes, naman.” “Gusto sana

