Kabanata 141 Alex’s POV Hindi pa rin ako sanay sa bagong mukha ni Ate Niknik. Para talagang nakita ko na ang mukha niya sa kung saan. Bakit naman kasi pinaiba ni Ate Nik sang mukha niya? Kung pinaayos na lang niya sana ‘di ba? Paano kung may kamukha siya sa pinaggayahan niya ng mukha? Baka makilala siyang ibang tao imbes na siya mismo. Napapakamot na lang ako ng aking ulo nang sabay-sabay kaming kumakain ngayon sa hapag kasama sina Tito, Tita at Ate Niknik. Nakikinig lang ako sa kanilang pinag-uusapan, hindi ko kasi ugaling makisali kung hindi ko naman alam ang kanilang pinag-uusapan, naka-focus lang ako sa aking kinakain. Nagitla ako nang tawagin ni Ate Niknik ang pansin ko. Pero hindi naman naputol ang pag-uusap nila Tito

