Kabanata 165 Marie’s POV Padabog akong lumabas ng silid, naiinis na naman ako sa tukmol na iyon, siya naman ang nag-alok sa akin kagabi na sa bisig niya na lang ako sumandal hanggang sa makatulog ako, tapos ngayong umaga, ako ang sesermonan niyang may dahilan kung bakit namamanhid ang bisig saka katawan niya. Tsk! Kung ‘di nga lang siya baliw at saka mayabang, inalok ko siya kagabi na mahiga ng maayos, pero ang sinabi niya lang, okay lang ako, komportable naman matulog ng ganito. Tapos ano ngayon? Mumurahin niya ako. Ang sarap balatan ng mukha nang hinayupak na Harold na iyon, kahit kailan talaga hindi na magbabago. Hindi ko naman talaga alam kung saan ako tutungo. Lalo na hindi ko naman alam kung saan ang pasikot-sikot dito, gusto ko sana lumabas ng

