Kabanata 166 Harvey’s POV “Lumier?” halos pabulong na lang ang pagbanggit ko sa pangalan ni Lumier nang makita ko siya sa mismong monitor ng computer ngayon ni dad, nakapagtataka kung paano nakita ni dad ang mga tao roon sa silid na kung saan nakita ko rin si Lumier. Hindi kaya, roon nalaglag ang aking daladalang camera dahil sa pagmamadali ko kanina? “Don’t mind too much sa pagkawala ng mini-camera na ikinabit sa amin sa damit mo kanina, Harvey. Mukhang may magandang pinaglagyan naman iyon.” Makahulugang untag ni Daddy. Nangingiti naman siyang nakaharap sa camera, si Tito naman ay panay pa ang titig niya sa kanyang tauhan. “You are right, Bernardo. Baka nga hindi lang si Lumier ang makita natin diyan mamaya’t-maya.” Nalukot a

