Kabanata 197 Harvey's POV Nagmamaneho akong wala sa sarili, panay lang ang kausap sa akin ni Ella, pero ako nama'y walang tugon sa bawat mga salita niya sa akin. Hindi ko talaga lubusang maisip kung paanong nagawa sa akin ni Ella ang ganitong bagay. Akala ko pa naman wala siyang alam sa lahat. Pinagkakatiwalaan ko siya sa mga bagay na alam namin parehong dapat naming iwasan at lutasin. "Ito nga pala ang sahod mo sa pagsama sa akin ngayong araw, Roger." Hindi ko siya sinagot, nakatitig lang ako sa kanya ng wala man lang kahit anong emosyon. "Uuwi na ako," maikling tugon ko saka tinalikuran siya. 'Di man lang niya ako tinawag para patigilin. Pero naalala ko, hindi nga pala ako si Harvey na nobyo niya, ako si Roger na nagbabantay lang sa kanya ngayong araw. Pinara ko na ang t

