Kabanata 198 Lee’s POV “Matagal ka na ba ritong nanirahan, Kuya Tope?” abala pa rin ako sa pagtatanggal ng mga prosthetic sa aking mukha. “Hindi naman masiyadong matagal, sa totoo lang, hindi naman talaga ako rito naninirahan noon, kaso iyong kuya mo…may pinapagawa sa aking misyon.” Binagsak niya ang sarili sa sofa. “Anong misyon naman po iyon?” napapa-aray ako sa pagtatanggal nitong mga nilalagay sa mukha namin dahil sa nahihila ang ibang balahibo na nasa aking mukha, katulad na lang ng kilay at pilikmata. “Ako na nga lang ang magtatanggal niyan, Lee. Ako ang nasasaktan sa pinaggagawa mo e,” sinimulan na nga ni Harold na maiingat na tanggalin ang mga natitirang mga prosthetic sa aking mukha. “Pinagbabantay niya ako sa nobya niya,” “Ha? Bakit naman pinapabantayan niya si Ate Ella?”

