Kabanata 199 Mrs. Zoon’s POV Dumaan na ang araw, linggo, at buwan. Marami na akong napapansing pagbabago sa anak ko, kung noon ay halos ipagtulakan ko siyang gumala sa labas ng bahay para hindi siya maburyong sa silid niya. Ngayon naman ay halos hindi ko na siya mahagilap o maabutan sa bahay. Lagi na lang wala, saka lang nagpapakita kung tatawagan ko siya sa kanyang numero. Ang pinagtataka ko lang, nang tawagan ko ang kanyang numero, out of coverage ito. Kaya tinanong ko siya noon kung bakit hindi ko siya makontak. Sabi niya lang sa akin ay nag-change siya ng numero niya dahil marami rawng mga spam messages. ` Pinalampas ko lang iyon, pero hindi ko rin matanggap ang malaking pagbabago niya ngayon sa parte kung paano na siya makipag-usap sa a

