Kabanata 144 Bernardo’s POV Pasado alas siyete nang magising ako, mabuti na lang at nakaligo na ako kagabi, kaya ang ginawa ko na lang ay ang maghilamos saka magbihis, kinuha ko ang aking sapatos sa ilalim ng tukador, nakaputing t-shirt lang ako at saka naka-maong na pantalon. Nasuot ng itim na cap saka lumabas na ng silid namin ni Helen, wala na si Helen sa tabi ko kaninang paggising ko, kaya naisipan ko ng tumungo na muna sa kusina at tama nga ako’t naroon nga siya kasama ang mga anak namin. “Mabuti naman at gising ka na, Sweetie, hindi na muna kita ginising kanina dahil maaga pa, pero papupuntahin ko na sana si Lee sa silid natin, pero nandito ka na naman pala. Upo ka na muna at mag-agahan.” Nagmuwestra ako sa kanya na hindi na lang muna sasabay sa

