Kabanata 168 Cindy’s POV Naidlip pala ako kanina, hindi ko namalayan ang oras. Nakaramdam na ako ng gutom. Naalala kong hindi pala ako nakapag-dinner kagabi. Dali-dali na akong lumabas ng silid ko at tumungong kusina. Hindi na ako nag-abalang mag-ayos ng sarili. Tanging mga katulong lang din naman ang naabutan ko sa kusina. “Aling Pacita, nasaan po si Tito Ferds?” “Hija, gising ka na pala. Sa pagkakaalam ko, kahapon pa siya hindi bumabalik ng bahay. Hindi ko rin alam kung saan siya pupunta. Pero nagsama siya ng mga tauhan niya kanina. Ang habilin lang niya sa akin na ibigay ko raw ito sa iyo.” Iniabot naman ni Manang sa akin ang nakatiklop na pera. “Para saan daw po ito, Manang?” “Ewan ko rin, Hija. Ang sabi lang

