Kabanata 150 Lee’s POV Hindi na namin nahintay na umunti ang bisita sa kanila ni Alex, nagpaalam na kami sa kanyang Tita at Tito na busy rin sa kanilang mga bisita. Kaya hindi na kami nag-alangang umalis. Naipaalam ko na rin kasi kanina kay Kuya sa text na pwede na niya kaming sunduin. ‘Di na sumama pa sa amin si Marie dahil nandoon naman ang daddy niya sa loob. “Baka next time na lang siguro ako mag-sleep over sa inyo Lee.” Makikita talaga sa mata ni Marie ang lungkot. “Oo naman, saka marami pang next time. Saka mas mainam na magpaiwan ka na lang kasi nandiyan naman ang daddy mo sa loob, alangan namang iwan mo siya. Saka hindi ka naman mabuburyong dito, kasi nandiyan naman si Alex.” “Tama si Lee, Marie. Nandito

