Kabanata 149 Alex’s POV Bago ko inimbitahan ang mga kaibigan ko sa bahay namin, nagpaalam muna ako sa aking Tito at Tita na may bisita ako, pumayag naman sila kaya sobrang tuwa ko sa gabi na iyon, kaagad kong ipinaalam sa mga kaibigan ko tungkol doon nang mag-recess kaming apat. Pumayag naman sila kaya mas lalo akong natuwa. Nagpahanda kasi sila Tito at Tita dahil sa silver wedding nilang dalawa. Ang alam ko rin kasi, ang daming bisita ang dadalo. Mga kasamahan lang siguro sa trabaho, pero ang narinig ko lang naman ay may mangilan-ngilan doon na mga VIP’s. “Akala ko ba, Alex, may mga bisita kang darating ngayon?” ani Tita na naka-formal attire same sila ni Tito. Dumarami na nga ang bisita, si Ate Niknik naman ay nagkukulong lang sa kwarto, kasi nga al

