Kabanata 148 Lee’s POV Simula noong nalaman ko kay Tristan na nagkikita si Ate Ella at Kuya Stanley, parang hindi ako makatulog saka hindi ako mapakali, gustong-gusto kong sabihin kay Kuya, pero baka ako pa ang maging dahilan ng kanilang pag-aaway kung saka-sakali. Nag-text talaga ako kay Tristan nab aka hindi iyon si Ate Ella at namamalikmata lang siya, pero hindi talaga sabi nito. Kahit na nasa itaas siya at sa ibaba naman nag-uusap ang Kuya niya at Si Ate Ella, malinaw na malinaw talaga ang paningin niya. “Lee, ano payag ka ba?” ani Alex na nakapagpaagaw sa aking malalim na iniisip. “Ang alin?” nagkamot ng ulo si Alex saka tiningnan niya ang dalawa pa naming kasama rito sa bago naming tambayan. Ito pa rin iyong last time n

