Kabanata 174 Cindy’s POV “Tapos ka na ba?” nagpupunas na si Mr. Lim ng kanyang bibig gamit ang tissue. Tumango lang ako. “Ang kunti lang ng kinain mo, akala ko ba hindi ka pa kumakain sa inyo kanina?” halos hindi kasi nangangalahati ang nabawas na pagkain sa aking pinggan. Gusto ko pa sanang kumain dahil masasarap naman ang kanilang pagkain. Pero sadyang nawalan na talaga ako ng gana dahil sa iniisip ko ang maaari naming mapag-usapan ni Mr. Lim. “Hindi pa pala po ako gutom,” nahihiyang tumawa naman ako. “Ahh, ‘di bale, let’s take this foods out na lang at dalhin mo na lang sa bahay niyo mamaya para roon mo na lang kainin.” Hindi na ako nakakontra dahil natawag na niya ang waiter saka wala rin naman

