Kabanata 175 Harvey’s POV Dumating si Mr. Lim at saktong kagigising ko lang. Napagod kasi ako kanina sa lakad ko. Nalaman kong nagpunta pala siya rito para sunduin si Harold na nasa silid raw ngayon kasama si Lee. Pinuntahan naman nila ni mama sa kwarto pero natutulog pa raw ang dalawa. Ayaw pa namang ipagising ni Mr. Lim kaya nakipagkuwentuhan muna ito sa kanilang dalawa ni dad. Maaga kasing nauwi si dad ng bahay dahil nga wala namang gaanong ginagawa, saka naroon naman si Miguel palagi sa hideout at pati ang dalawang sina Alfonso at Randy, sila ang nautusan ni dad na magbantay sa video na kung saan ay sabi ni dad na hindi pa rind aw nagpapakita ang Lider Z na iyon. “Si Lumier, kumusta naman?” alalang usal ni Mr. Lim kay daddy. “Okay nam

