Kabanata 176 Harvey’s POV “Hey,” hindi na ako nagpaligoy-ligoy pa at nilapitan ko na nga silang dalawa. Nakikitaan ko kaagad sila ng pagkagulat sa kanilang mga mukha nang nakalapit na ako sa kanilang mesa. Isang salita pa nga lang ang binanggit ko pero ganoon na ang kanilang reaksiyon. Baka lang dahil hindi nila expected na makikita nila ako rito. Ako nga hindi ko akalain na makikita ko sila ritong magkasama. Nang naalala ko ang nasabi sa akin ni Lee kagabi patungkol sa pagpuslit nitong dalawa sa silid ni Franikka. “Harvey?” sabay nilang bigkas na dalawa. Rinig ko ang pagtikim ni Cindy, pero kay Ella ako nakatingin dahil matagal siya bago nakabalik sa kanyang sarili. Kaya winagayway ko ang aking dalawang kamay sa mukha ni El

