Kabanata 177 Harvey’s POV “Pasado alas sais na pala ng gabi, kaya pala madilim na sa labas.” “Oo nga ‘no? Hindi ko napansin.” May maliit kasi na siwang dito sa kusina kaya kitang-kita ang labas na madilim na. “Hmm...ano baa ng susunod natin na gagawin, Harvey?” “Magmamanman lang tayo ngayong gabi.” “Ha? Lalapit tayo roon?” “Hindi, may dala ako sa bag ko, pakikuha nga mamaya pagkatapos nating kumain.” Tumango lang si Tope sa pakiusap ko, sabay subo ng kanyang pagkain. Maaga kaming naghapunan para naman mabawi namin ang lakas namin na nawala kanina sa pagtakbo namin, hindi naman kasi marami ang kinain namin kanina. Kaya ngayon, bumabawi kami. Hindi na nga ako nakapagsuot ng dam

