Kabanata 178 Lee’s POV Si papa ang naghatid sa akin sa paaralan, ang sinabi kasi ni mama kanina sa amin ni papa nang sabay kaming kumain ay nauna na rawng pumunta si kuya sa hideout. Hindi naman daw sinabi kay mama kung bakit maaga si kuya, kaya hindi na lang kami nangulit sa pagtatanong. Kanina pa ako nakarating sa silid namin, kaunti pa lang kaming estudyante, hindi ko pa rin nakikita hanggang ngayon ang tatlo. Kaya inabala ko na lang ang sarili ko sa pagsusulat ng kung ano-ano sa aking papel. Hindi ko na rin inabala ang sariling pasahan sila ng mga mensahe at baka papunta na rin ang mga iyon sa silid namin. At hindi nga ako nagkamali, ilang minuto lang ay sabay-sabay pa ang tatlong pumasok ng room at masasama ang tingin sa akin. Ano n

