Kabanata 162 Harvey’s POV Nagmamadali akong pumanaog ng kisame, nang nasa kalagitnaan ako ng tunnel, literal na kumabog ang aking puso dahil sa kaba na muntikan na akong mahuli ng mga patungo sa direksiyon ko papasok ng silid. Puro sila nakaitim na jacket, kagaya nga ng mga nalikom naming mga larawan na pruweba kung saan ay napag-alaman naming mga sindikato nga ang mga ito. Sino ba namang ordinaryong sindikato ang makapagpatayo ng isang hideout sa ilalim ng lupa. At hindi basta-bastang taguan ito. Dahil kapag nasa loob ka na, puro bago ang mga makikita, halatang kagagawa lamang ang hideout na ito. Kung dito nga nakita nina Alfonso at Randy si Mr. Dizon. At dito rin nakalokasyon ang telepono ni Lumier, ibig sabihin ba ay si Mr. Dizon ang n

