Kabanata 163 Cindy’s POV Ilang araw ko nang hindi nakikita si Lumier, simula pa noong umalis siya galing sa bahay nina Ella at Dra. Loring. Pagkauwi kasi niya, hindi ko siya nasundan dahil nakipag-usap pa ako sa mama ni Ella. Habang si Franikka naman ay nakikipaglandian pa rin sa nobyo ni Ella. Tsk, feel na feel ang moment. Kung hindi lang mukha ni Ella ang gamit niya ngayon, baka kanina pa siya hinatak ni Harvey sa kulungan. Kung nagtatanong kayo if magkasabwat ba kami sa lahat ng masamang plano? Ang sagot ko ay hindi. Iisa lang naman ang napagkasunduan naming gawin, ang guluhin ang buhay ng pamilya ni Ella. Si Franikka na ang bahala sa boyfriend ni Ella, saka ako naman ang bahala sa ina niya na nagtitiis lang akong makipagplastikan dahil kumukulo an

