CHAPTER 7

1004 Words
JANE POV But as soon as I hold the door knob, naka lock pala ang pintuan. Pinilit ko itong buksan subalit naubos na ang lakas ko pero nala lock talaga ito. Grabe, may sayad nga talaga sa utak itong si Apollo. Kinulong niya kaagad ako rito sa unang araw ng kasal namin. Naisip niya ba ang kaligtasan ko? Naisip ba niya na paano kung biglang magkasunog sa lugar na ito? Tuluyan na akong nainis sa nangyari at ginawan ko ng paraan na mabuksan ko yung pintuan. Wala na akong pakialam kung kitang kita sa mga cctv camera ang bawat galaw ko. Ang tanging importante ay mawawala ako sa mala impyernong lugar na ito. Bawat drawer ni Apollo ay kinalkal ko. Wala akong makita na pwede kong gamitin upang buksan ang pintuan. Subalit sa huling drawer na binuksan ko, mayroon akong natuklasan na hindi ko labis na inakalang may isang pistol gun at mga bala ng baril. And this is not the only thing I have seen inside the cabinet. May nakita rin akong mga s*x toys na katabi ng baril. May condom pa at lubricant. Marami pang mga porn magazine at puro hubo't hubad na mga babae. He is a teacher and I do not expect na meron siya ng mga ito. Wala sa hitsura niya ang pagiging ganito. At yung baril? Para saan niya ito gagamitin? Mukha namang safe sa lugar na ito so I cannot understand it. I hold back for a moment. Natakot ako ulit, this guy that I am married to is a dangerous man. How can I get out of this situation? Isang bala lang ang katapat ko. At ang weird na nakita ko yung Id niya noong siya ay highschool pa lang. Natawa ako kasi ang payat niya noong highschool pa lang siya pero pogi pa rin at nasa section 1 siya. Matalino rin pala siya but wala siyang ibang details na nakalagay sa id. Nananatiling misteryoso ang katauhan niya. Naka receive ako ng chat muli kay Tezza at Ina update niya ako sa mga taong sure na pupunta lalo na si Denis na may pa surprise gift pa raw sa akin. Gamit yung id niya ay binuksan ko ang pintuan. I slided it sa gilid ng pintuan at nag bukas ito. Grabe, may pakinabang din pala ng I'd niyang luma. Paglabas ko ay nakita ko na may mga taong naglalakad sa paligid. Ang dami rin pala ng mga taong nakatira sa lugar na ito. Nasa ika 15th floor pala kami. Pagbaba ko sa building na ito, pakiramdam ko ay nakalaya na ako sa haula. Pumunta kaagad ako sa bahay namin. Naka ilang katok na ako sa pintuan subalit walang sumasagot. Hindi nakasarado ang pintuan ng bahay namin at pagpasok ko sa loob, nakita ko ang papa ko na lasing sa lamesa. Natutulog siya ng nakataob ang mukha at maraming mga bote ng alak. Nakaka inis, ito yung parating bumubungad sa akin dati na ayaw kong makita. Nakaka stress na sa araw araw ay ganito yung bubungad. Itong si papa ilang beses na itong nahospital noon dahil sa pag iinom niya. Kailan kaya siya matatauhan? Nag hihirap na kami wala pa rin siyang kadala dapa sa mga nangyayari. Pero buti at wala siyang malay na nandito ako sa bahay. Kasi malamang ay isusumbong niya ako kay Apollo kung makita niya ako. Dali dali akong nag punta sa kwarto ko at nandito pa rin ang mga gamit ko. Nakaka miss yung kwarto ko, isang araw pa lang akong hindi natutulog dito ngunit labis na ang pagka miss ko kaagad. One thing is for sure, I am not going to sleep here anymore kasi nakatali na ako kay Apollo. Doon na ako titira sa kanya ng pang habang buhay. Kinuha ko ang bag ko at sinabog ko sa kama ang mga lamang nitong mga gamit ko sa school. Pinalitan ko ang laman nito ng mga damit. Siniksik ko ang mga damit na pwede kong ilagay dito sa loob ng bag ko. Kung pupunta kami sa resort para maligo, I really need to have some clothes. At make up na rin kasi mag kikita kami ni Denis. Dapat na ma love at first sight siyang muli upang hindi mawala yung interes niya sa akin. Kanina ay malinis itong kwarto ko ngunit ngayon ay ang kalat na dahil sa labis kong pagkataranta. Paglabas ko ng kwarto ko ay nakita ko si mama. Nakataas ang kilay niya at ang sama ng tingin niya. Matalas ang pandinig ng mama ko kaya malakas ang kutob ko na narinig niya ako dito sa kwarto ko. "Anong ginagawa mo dito ha? Akala ko ba ay nasa honeymoon na kayo ni Apollo? Alam ba niyang nandito ka?" Sunod sunod niyang mga tanong. Napahinga muna ako ng malalim. It is useless kung mag aaway kaming dalawa kasi alam ko naman na si Apollo ang kakampihan niya imbes ang sarili niyang anak. "Ma, wala na po akong susuoting mga damit doon. Sobra kasi akong nabigla sa lahat ng mga pangyayari. Isang araw, nagising na lamang ako na ikinasal na ako sa lalaking hindi ko lubos na kilala. At sa mismong debut ko pa ito nangyari." "Wag ka nang makipag talo pa. Tandaan mo, naghirap na tayo nitong pandemic at kung hindi dahil sa tulong ni Apollo, malamang ay pupulutin na tayo sa kangkungan. Magtiwala ka anak, mga magulang kami at alam namin kung ano ang makakabuti para sayo. Ano pa ba ang hahanapin mong kulang kay Apollo? Gwapo siya, matalino, mabait at may... pera..." Nahiya pa siyang sabihin yung tungkol sa pera. Ito lang naman ang halatang rason sa biglaan naming pagpapakasal. Ayaw ko na siyang kausapin pa. Sa halip ay umalis na ako kaagad sa harapan niya at lumabas ng bahay. Wala na akong narinig mula sa kanyang mga labi, pero paglabas ko ay hinabol niya akong bigla. "Kinakausap pa kita Jane. Bumalik ka rito, grabe matapos kitang palakihin ay magiging rebelde ka na kaagad. Anong klase kang anak, suwail!" Tiniis ko yung mga masasakit na salitang sinabi niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD