CHAPTER 8

1010 Words
JANE POV Sanay na akong makarinig ng mga masasakit na salita galing sa kanilang bibig ngunit ito na marahil yung pinaka masakit sa lahat. Hanggang sa loob ng bus ay dinaramdam ko yung mga masasakit na salitang ito. Pagkatapos nila akong gamitin, ito na kaagad ang isusukli nila. Suwail? Paano ni mama nasabi na isa akong suwail na anak kung sapilitan akong pumayag sa gusto niyang mangyari na ikasal ako. Inabot ako ng isang oras sa biyahe ko bago makarating sa labas ng school, nilagay ko sa harapan ko ang bag ko kasi ang dami rin ng nakawan sa lugar na ito. Natanaw ko kaagad silang lahat, ang dami nila, nasa anim. Kumpleto ang lahat ng mga kasama ko sa swimming competition. Sila Janice, Cheska, Chloe, and Joan, at si Tezza. Ngunit wala akong nakitang Denis. I thought na kasama siya sa swimming upang i celebrate ang birthday party ko but I cannot find him. Nang papalapit na ako sa kanila ay nagulat ako ng may biglang yumakap sa likuran ko. At sa amoy ng pabango nito, walang duda na si Denis ang lalaking ito na yumakap sa akin. Sobrang sarap kasi singhutin ng pabango na gamit niya, ito ang isa sa mga dahilan kung bakit ako naa attact sa kanya. "Belated happy birthday, Jane! I am so upset that I did not know about it." Natuwa ako sa yakap ni Denis ngunit nalungkot ako sa sinabi niya. Malamang ay nakarating na sa kanya ang balita na wala akong perang panghanda which is somehow true. "Sorry, kasi ano ehh..." "I understand, hindi naman kinakailangan na magarbo ang birthday party mo. Dapat sinabi mo para makapag celebrate tayo. 18th birthday mo pa naman ito. And speaking of that, bakit nga pala ang iksi ng suot mo ha? Marami pa namang mga bastos sa daan." "I am doing just fine. Magpapalit ako ng damit mamaya doon sa resort," sagot ko nang lumingon ako sa kanya. "Alright, naka kotse tayo, sinundo kaming lahat ni Tezza at ang sabi niya ay pinilit niya pa raw ang parents niya na pumayag doon sa magandang resort." "Yun nga eh! Nakakahiya sa parents niya, ang mahal ng bayad sa resort kaya ang hirap." "Sabunutan kita jan eh! Anong ibig mong sabihin sa sinabi mo ha? Ang tagal na nating magkaibigan dito and then nahihiya ka pa? There is nothing wrong with what I am doing, wag ka nang mahiya sis. It's your birthday at ang sabi na ng mama ko, your birthday only happens once a year at dapat na ice celebrate ito." I turned around at hindi lang siya ang nakita ko, nandito rin ang iba naming mga ka team at nag greet sila sa akin ng happy birthday. Sobrang na touch ako sa mga birthday wishes nila and just like Denis, sinuway din nila ang iksi ng suot kong damit. Pero mabuti at naka kotse itong si Tezza na siya pa mismo ang nag drive kaya kerry na yung ganitong outfit. Malamig sa loob ng kotse ni Tezza at ang dami pang dalang mga gamit. Bago niya sinimulan ang pagpapatakbo ng kotse niya, nagsaliya siya. "Guys, yung food pala natin ay pinahanda ko na doon sa staff namin sa resort at ang pangako sa akin, kapag daw nakarating na tayo doon ay ready to eat na yung mga pagkain." "Wow! Sana all rich kid!" sambit ni Cheska na katabi ko. "Oo nga! Love na love mo talaga itong si Jane eh," dugtong pa ni Janice. "Love ko kayong lahat mga girls at alam naman natin ang sitwasyon ng isa nating kaibigan na walang pera to celebrate her birthday. Kaya nga pinatawag ko kayong lahat dito upang icelebrate natin ito. Wala man tayong 18 red roses, ang mahalaga ay magkakasama tayo. Let us make her feel she is something special, tama ba Denis!" Nagkatinginan kaming dalawa ni Denis. Naupo siya sa kaliwa ko at samantalang si Cheska yung nakaupo sa kanan ko. Ang tamis ng ngiti niya at ang lagkit ng tingin niya, ang pula pa ng kanyang labi na kissable. "Tama Tezza, although araw araw ko naman pinaparamdam dito kay Jane kung gaano siya ka special. Almost six months na noong nanligaw ako sa kanya." "Six months?" ani ni Joan. "Bakit mo pinatagal girl? Ano ito pabebe ka pa? Ang gwapo na niyan oh! Tapos matalino pa sa klase, yan nga yata yung pinaka gwapo sa school natin eh!" Tama si Chloe, gwapo si Denis at matalino pa. He also makes me so especial ngunit unknown to him na kinasal na ako at nakatali na sa ibang lalaki. "Hoy Chloe excuse me lang ha!? No offense dito kay Denis but I beg to disagree with your opinion, for me ang pinaka gwapo sa lahat ng nakita kong guy not just in school but in my entire life is no other than Sir Apollo. Sa pangalan pa lang ay ang gwapo nang pakinggan. How much more pa kaya kapag talagang nakita mo na. Ang hot niya parati tuwing practice and take not, he is a handsome guy with a brain to match." May halong kalandian at kilig yung pagsasalita niya. I know that she likes him so much from the very beginning. As a matter of fact, ang lagkit nga ng parating tingin ni Cheska kay Sir Apollo or should I say Apollo. But unknown to her, sa likod ng gwapong mukha ng aming professor ay nagtatago yung karumal dumal na kademonyohan niya. At the moment I discovered his gun, alam kong hindi siya mabuting tao. "Nako itigil mo na ito teh! Ang dami nating nakapila sa kanya at pinag papantasyahan tuwing gabi!" After magsalita ni Chloe ay nag start nang magpaandar ng kotse itong si Cheska. "Aanuhin mo yung pagiging gwapo si Sir Apollo kung misteryoso naman ang pagkatao niya?" pag singin ni Denis. Muli akong napatingin kay Denis at nakita ko yung pagkayamot sa mukha niya. Isa rin siya, ayaw niya rin na matapakan ang pride niya. "Relax ka lang Denis, ikaw pa rin ang pinaka gwapo sa paningi ko!" bulong ko sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD