JANE POV Nakatitig lamang ako sa professor kong ito at hindi ko na alam kung ano ang mga susunod kong sasabihin sa kanya. "Ano ito Jane ha? Magtititigan na lang ba tayo rito? Bakit ayaw mong magsalita? Tinatanong ko kung paano mo yan nakuha? Stop lying to me, okay? I was not born yesterday para mag paniwala sayo. Nandito ba sa classroom ang gumawa niyan? Ikaw ha? Kababae mong tao ngunit puro ka na kalandian. Kaya ka siguro bumagsak sa quiz mo kahapon ay dahil dito?" "Nako Ma'am hindi po!" mariing sambit ko sa kanya, "Wala na po akong magagawa pa kung ayaw niyong maniwala sa akin. Basta alam ko lamang po sa sarili ko na totoo ang sinasabi ko. Masyado pa po akong bata, wala akong boyfriend or anyone na kalandian ko. But if you want po, pwede niyo po ako pakainin ng seafood right now para

