JANE POV "Okay, pero isang kiss muna!" pangungulit niya pa. "Anong kiss? Narinig mo ang sinabi ko hindi ba? Ililibre na kita bilang pambawi ko!" sambit ko sa kanya. "Isa lang kasi! Sige na, wala namang ibang tao dito bukod sa ating dalawa. Eh dapat nga ay kagabi pa ako magde demand ng isang matamis na halik sayo ngunit bigla kang umuwi. Sana ay wag mo na itong gawin pa kasi baka tuluyan na akong magtampo nito!" Napatingin ako sa paligid at wala akong nakitang mga tao, natatakot man ako ngunit gusto ko nang pagbigyan ang hiling nitong si Denis. One kiss at sure ako na sisigla siya kaya habang siya ay nagsasalita, lumapit na ako sa kanya at hinalikan ko ang kanyang labi. Naging masarap nga ang aming halikan na tumagal ng ilang mga segundo bago ko ito itigil. Napasarap din ako ngunit a

