“Heaven!” pasigaw na sagot ni Aleck. Labis siyang nag-alala dalhin buntis ang dating nobya. Nang marating ang kwarto ni Heaven, nakita niyang nanginginig ito sa takot. “Yakapin mo ako." agad na utos nito sa kanya. Nawiwindang man ay wala siyang nagawa kundi sundin ang utos nito. “Bakit ka tumili kung gusto mo rin lang naman ng yakap!” inis na inis si Aleck. Iritang irita sa mga kalokohan ng buntis. “Sila kasi…” nakangusong tinuro ang naghaharutan na ipis sa sahig. Nakatihaya ang isa habang nakapatong naman ang isa. Doktor si Heaven at hindi siya takot sa mga insekto. “Para ipis, ahas nga pinapatulan mo. Bitiwan mo ako, patayin ko." “Ayoko, bilis apakan mo bago pa sila makaraos.” “Heaven?!” kita sa mukha ni Aleck ang pagkairita sa isip batang buntis. “Ano pa ang hinihintay mo? Pa

