Bakas sa mukha ni Heaven ang ngiting panalo at naka-jackpot sa lotto. Samantala si Aleck ay ni hindi man lang nilingon ang buntis. Kabado siya sa bawat kilos. Alam niyang may asawa na ang dating katipan na ngayon ay employer na rin niya. Pilit na pinipigilan ni Aleck ang sariling damdamin. Ayaw niya ipahalata kay Heaven na affected siya sa mga panunuksong ginagawa nito. Kung ano man ang rason kung bakit ganito ka-transparent sa kanya ang buntis, wala siyang pakialam. Kailangan maiwas niya ang sarili bago pa siya tuluyang malugmok sa pagtataksil ni Heaven sa asawa nito. Nagbuga ng hangin si Aleck. Litong-lito ang isip niya habang nagmamaneho. Napatingin siya sa metro ng gas. “Malapit ng maubos ang gasolina, pahingi ng pang-karga.” untag niya kay Heaven ngunit hindi ito sumasagot. Niling

