“Joke lang ho.” nakangising turan ni Heaven. Laglag ang panga na napatigil ang dalawa saka nakitawa na lang din. “Peace ho. Praktis lang, Aleck.” agad na sagot ni Heaven na tila balewala ang ginawang kalokohan. “Ikay marunong din talaga iha.” tukso ni Aling Gloria na ang ibig sabihin ay umagaw ng atensyon nila. Alam nilang nainip ito mag-isa sa pagtatampisaw. “Tawagin n'yo ho akong anak, Nanay.” seryosong sabi ni Heaven. “Talaga? Siya anak, maglaba na tayo. Aleck, pasuyo na laang ng batya at palu-palo.” utos nito sa anak at seryoso na binasa ang mga damit. Nakasalampak sa mababaw ngunit umaagos na tubig si Heaven. Hindi pa man nakakalimang minuto sa pagkusot ng damit, bigla itong kumamot sa singit. “Ang kati ng singit ko, Aleck. Tingnan mo nga. Pwede pakikamot naman, please?” Walan

