SAVANNNAH Naka alis na kami at hindi pa rin ako makapaniwala sa sinabi ni Mona sa akin ng tumawag ito. Na rush raw si Dad sa ospital at hindi pa malaman kong bakit nangyari 'yon. Mabuti na lang rin hindi masyadong malayo ang Batangas sa Manila. Hindi ko pa masabi sa asawa ko ang totoo. Kanina nga nabuntunan ko siya ng inis ko, kaya hindi kami nag-iimikan mula kanina pa. Hindi ko naman intensyon kasi na pagtaasan siya ng boses. Hindi lang talaga ako mapakali kanina at gusto ko ng umalis. Nang malapit na kami sa ospital na sinasabi ni Mona. "Lovey, turn left then straight." mariing wika ko. Agad naman niya akong sinunod kahit alam kong tampo pa rin siya sa akin halata naman kasi hindi niya ako pinapansin. Nang makarating kami sa ospital. Nakita kong kumunot ang noo ng asawa ko kasabay ng

