Nagising ako ng wala na sa tabi ko ang asawa ko. Hinanap ko siya sa loob ng kwarto pero, wala. "Lovey, lovey, nasaan ka?" tawag ko dito at hindi ko pa rin siya makita kita. Kinakabahan na ako lalo na't buntis pa ito. "Lovey," tawag kong muli at naglakad ako palabas ng kwarto hanggang sa makalabas ako ng resort. Hinanap ko rin siya sa dagat at baka sakaling naroon siya. Ngunit nabigo ako hindi ko siya makita kahit saan. Takot na takot ako at napaluhod na lamang. Heto na ang kinakatakutan ko ang iwan ako ng asawa ko. Iyak ako ng iyak hanggang sa nakadama ako ng pag uyog. Napadilat ako ng mata at nakita ko ang asawa ko na parang nag-aalala sa akin. Agad ko siyang niyakap at napasabi na lang na; "Salamat naman panaginip lang ang lahat.." usal ko. "Lovey, ayos ka lang ba?" tanong niya sa aki

