At St. Jude Chapel Marami ang nakiramay sa unang burol ni Daddy Miguel. Dagsa ang mga tao lalo na ang mga malalapit na kaibigan nito sa lipunan. Higit pa ang mga employees sa GGC, lahat sila ay nalungkot sa maagang pagkawala ng taong naging mabuti sa kanilang lahat. Maraming naiyak at hindi matanggap ang pagkawala ng boss G nila, dahil napakabait nito sa mga tauhan niya. Wala itong tinanggihan na kahit sino. Kapag lumapit ka sa kan'ya tutulungan ka niya ng bukal sa puso niya. Nakatayo ang asawa ko sa harapan ng kabaong ng Daddy niya. Nakita kong umiiyak siya nang tahimik panay patak lang ng luha niya at ni isang boses wala kang maririnig mula rito. Lumapit ako at hinaplos ko ang likuran niya nagbabakasakali ako na baka lang maibsan ko ang kalungkutan niya. Na kahit papaano ay sumaya an

