Kanina pa ako hindi mapakali at hindi ko malaman kong bakit haggang sa narinig king umiiyak ang asawa ko sa loob ng babies room. Humahangos akong nagtungo sa kinaroronan niya para alamin ang lahat. Pagpasok ko sa kwarto nakasubosob ito sa kama at umiiyak. Lumapit ako at naupo sa tabi niya. Hinawakan ko ang balikat niya at unti-unti akong nagtanong na; "Lovey, bakit ka umiiyak. May masakit ba sayo?" tanong ko at hindi ko pa naman alam ang dahilan ng pag-iyak nito. Naupo siya sabay yumakap sa akin at sinabi na; "Lovey, huhuhu..Patay na si Dad. Huhuhu. Patay na siya, lovey. Patay na si Daddy." paulit ulit na sinasambit ng asawa ko at maging ako ay nagulat hindi ko akalain na mangyayari ito. Kakatapos lang naming mag-usap ni Mona. Hindi ko akalain na may mangyayari kay Dad. "Lovey, saan m

