"Mommy, sorry. Hindi na ako tutuloy sa US. Mas kailangan ako ng asawa ko ngayon. Mag-aaral pa rin naman ako pero, dito na lang. Marami naman po na school na magaganda dito bakit pa ba ako aalis ng bansa." sagot niya sa kan'yang Mommy Hannah. "W...What son, naririnig mo ba yang sinasabi mo? Alalahanin mo future mo ang nakataya dito. Mas maganda ang school sa US. Pag-isipan mo yan may isang buwan ka pa naman." sagot niya. "Pero, Mommy nakapagdesisyon na talaga ako hindi na po ako tutuloy sa US. I'm sorry po talaga kailangan ako ng wife ko sa tabi niya ngayon lalo na't maselan ang ipinagbubuntis niya." giit ni Nathaniel. Medyo parang hindi okay sa pakiramdam ni Hannah ang mga binibitiwang salita ng kan'yang anak. "Anak, makinig ka kaya sa akin muna. Nandito naman kami ng Daddy mo hindi nam

