Maaga pa lang umalis na ang mag-asawang Savannah at Nathaniel sa kanilang bahay para makapag prenatal check-up si Savannah sa ob-gynecologist niya. Para, malaman nila kong healthy ba ang baby sa loob ng tummy niya at balak na rin ni Nathaniel na mag enroll na sa pinakamalapit na University na magugustuhan niya. Para hindi siya matagal mawalay sa mag-ina niya. Nang malapit na sila sa ospital saka naman nakaramdam ng gutom si Savannah. "Lovey, pwede bang mag stop over muna tayo sa mga restaurant?" tanong nito. "Gutom ka na ba lovey?" "Medyo lovey, pa lunch na rin naman." sagot ni Savannah. Sabay baling ng tingin sa labas ng bintana. At tila naghahanap ng restaurant na gusto niyang kainan. Habang si Nathaniel ay patuloy lang sa pagdadrive ng sasakyan. At naghihintay nang go signal ng

