Matapos ang prenatal check-up ni Savannah diretso naman sila sa University kong saan mag e-enroll si Nathaniel para maipagpatuloy niya ang kan'yang naudlot na pag-aaral. Isang sem na lang naman at makaka graduate na siya kong hindi siya nakidnapped. Pero, hindi naman na din dapat isipin ang mga ganong bagay pa. Pagdating nila sa University inalalayan ulit nito ang asawa pababa ng sasakyan. Kinuha niya dito ang handbag at siya na ang nagbitbit. Ayaw niyang nahihirapan ang asawa. Pumasok sila sa loob ng University at nagtanong sa staff. "May enroll-an pa po ba ngayon?" tanong ni Nathaniel. "Yes sir. Heto po ang form paki fill/up na lang rin po at pagkatapos paki balik sa akin." aniya. Kinuha naman agad niya ang form at niyakag ang asawa patungo sa malapit na table. Pinaupo niya ito para h

