One Week Later. On the first day of class ni Nathaniel sa isang sikat na University sa bansa. Medyo naninibago siya at hindi niya kilala ang mga classmates niya pero, may isang grupo na lumapit sa kan'ya at nagpakilala ang isang lalaki. "Dude, transferee ka dito?" tanong ng maangas na lalaki base sa tindig nito. "Oo, bakit?" balik na tanong niya. "Wala naman, bago kasi ang mukha mo. Ako nga pala si Jigo call me Jiggs at ito pala si Yano, Billy, Haji at Maximo.. Ikaw ba dude?" "Nathaniel or Nathan. Mas ahead ata ako sainyo ng one year. Nagstop kasi ako graduating na sana." sagot niya. "Hindi naman halata mukha kang kasing edad lang rin naman namin." sagot nito. Magsasalita pa sana siya ng pumasok na ang professor nila. "Everyone you may sit down." maawtorida na utos ng professor nil

