JENNY POV Pagkatapos kong lisanin ang Mansyon ng mga Saavedra nagbalik akong probinsya. Alam kong magagalit ang Tita Paz ko na wala man lang akong maiaabot na malaking halaga sa pag uwi ko. Hindi ko rin kasi nakuha ang sahod ko at nagmamadali akong umalis ng Mansyon. Sinalubong ako ng ngiti at yakap ng tatlo kong kapatid na si Jonna, Jefrey at Janice. "Ate Jenny ikaw ba talaga yan? Nakauwi ka na ate?" ulit na tanong ng bunsong kapatid ko na si Janice. Sampung taon na ito. "Malamang Janice, nakita mo na nga nandito siya e," pabalang na sagot ni Jonna ang pangatlo sa amin dalagita na at nasa labing limang taong gulang na. "Jonna, tumigil ka. Ano away agad ang ibubungad niyo kay ate. Alam niyong pagod pa siya galing sa byahe." saway naman ng sumunod sa akin na si Jefrey. Bente uno any

