Bumuhos ang luha sa huling pamamaalam ng Daddy Miguel galing sa mga taong nagmamahal sa kan'ya. Mga kilala siya ng lubos at mga nakasama talaga niya noong nabubuhay pa siya. Una na dito ay ang mga malalapit niyang mga kaibigan na may kan'ya kan'yang mensahe rin para dito. Nauna na si Don Facundo. Inabot ko dito ang microphone at nagsalita na rin siya. "Good evening to all. Sa mga hindi nakakakilala sa akin. I'm Facundo Salvatorre. Miguel is my high school buddy year forgotten. Hwag na nating ungkatin ang taon at baka malaman niyo pang lahat ang tunay na edad ko." pabirong wika ni Don. Facundo. Halata naman kasi na close sila ni Daddy Miguel. At sa pagpapatuloy ng kan'yang mensahe naantig kaming lahat sa mga sinabi nito na; "But, he is one of a kind person that I met. Wala kang masasabi

