Joy Nandito ako ngayon sa kwarto ko at nagpapahinga. Bigla kasing sumakit yung paa ko kaya nagpahilot ako sa maid. *tok tok tok* . "Ano?!" Sigaw ko. Imbis na sumagot eh bumukas yung pintuan at niluwa nito si Grandma. "Ayos ka na?" Tanong nya. "Okay na po, pero nasakit pa po medyo." Sabi ko at hinawakan ang binti ko. "Hayy.. Palibhasa lumaki kang mayaman, nung kapanahunan ko kapag sumasakit ang paa ko, ako ang naghihilot. Kaya marunong ako, akin na." Pinatong ko naman yung paa ko. "Ay! Nakalimutan ko, kukunin ko lang yung katinko." Sabi nya at lumabas ng kwarto ko. Sabi ni Grandma sya ang naghihilot ng paa nya kapag nasakit so, that means lumaki syang mahirap? Ano kayang experience ng mahirap? Ang alam ko si Grandpa ang mayaman kasi anak sya ng dating presidente sa US. Kaya

