Sarah Tinulungan ko si Limuel na makatayo pagkaalis na pagkaalis ng babae. “Ano bang naisipan mo at hinayaan mong mangyare ‘to!” malakas na sabi ko dito. “Wala ka na do’n,” sabi nito habang nakatingin sa pinto ng cafeteria kung saan lumabas si Nerd kasaama ang babae. “Napahiya ka dahil sa babaeng ‘yon, tapos sasabihin mo sa’kin na wala na ako don?” Hindi makapaniwalang sabi ko. Imbis na sagutin ay tumayo ito at umalis. Galit akong tumingin sa likod nito bago ibinaling ang tingin sa mga studyanteng nanunuod, magbabayad ka nerd. Jake Nakangisi ako habang nakatingin sa babaeng galit na galit, kitang kita namin ang eksenang nangyare kanina kaya natatawa ako sa itsura nito. “Mali sila ng binangga!” nasabi ko nalang. Napatingin naman ako sa mga studyante, biglang nagtinginan ang mga

