Queen Deathrana Icelyn Killian Grandford-Morrigan It’s Friday at pinapasok ko na ngayon si Novel dahil may importante akong pupuntahan ngayon. Ibinili ko na ito kila James na tingnan ito, kaya hindi ko na pinoproblema kung may mambubully kay Novel dahil naroroon naman sila James. “Queen, handa na ang sasak’yan.” Sabi ni Butler Mae, tumango ako dito. Pinagbuksan ako nito ng backseat dahil ito ang magmamaneho. Patungo kami ngayon sa Thanatos Palace upang pag usapan ang bagong Hideout na itatayo sa New York. Isa ito sa mga magagawa ko ngayong malapit ko nang makuha ang aking mana, ang magpalawak at magpadagdag upang hindi maalis sa number 1 ang Thanatos Organization. -- Mabilis kaming nakarating at nagtungo sa conference room, kumpleto na ang lahat. Maging si Ace na isa sa Phantom ay na

