JUDE HENRY POV Nang pumasok ako ng library ay agad kong tinawagan si Garcia. "Hello boss! Matigas 'tong bata na inutusan, ayaw kumanta sa nag utos sa kanya." Wika ni Axel Garcia pangalan ng kaibigan at detective na pinagkakatiwalaan ko sa lahat. "Hayaan na muna. Ang utos ko takutin lang Garcia, hindi masyadong bugbugin." Angil ko dito sa tono ng boses nito mukhang naubos ang pasensya sa kawawang lalaki panigurado ginulpi 'to ng todo. Napahilot ako saking batok, masyado nitong minamaliit ang kakayahan ko at wala 'tong takot na sumugod kahit malapit na ito sa territory ko. Kumuyom ang kamao ko sa galit. Mayroon na kaming pinaghihinalaan ngunit hindi namin ito pwedeng hulihin at kasuhan ng walang solidong ebidensya. Pauwi na ako ng bahay at may lakad nga kami bukas kaya naman sinadya k

