MARY LYNELLE Bukas na ang alis namin patungo ng Subic. Naisipan namin ni Nanet na mag tungo ng grocery at nag request ang Nanay ko na mag luto ng babaunin para bukas. Hindi sana sang ayon si Henry at marami naman mabibilhan ng pagkain doon ngunit ang Nanay ko ay sanay sa ganito na pag mayroon kaming outing ay nagluluto ng mga dadalhin na pagkain at 'yon ang pagsasaluhan pagkadating doon. Nagpaalam ako kay Henry na tanghalian kami aalis ni Nanet at kasama namin ang pinsan niya at niyaya ako na mag malling dahil natapat na may lakad kami sasama nalang siya sa pupuntahan namin. Pinuntahan ko ang kaibigan ko sa kanyang kwarto at kaagad pumasok sa loob. Nakahiga ito at nakatutok sa phone niya. Magkasalubong ang dalawang kilay nito at seryoso ang mukha. Hindi ako nito napansin at dahan daha

