MARY LYNELLE Nagpahatid kaming dalawa ni Nanet kay manong Dan sa Super Mall. Sinabihan ko ito na sunduin na lang kami pagkasundo sa mga bata. Nauna namin pinuntahan ang time zone at tuwang tuwa kami na naglaro na tila batang nakawala sa hawla. Naalala ko noon nagkakarera kami ni Nanet sa play racing car game at dahil magaling ako sa kanya lagi 'to asar talo sa 'kin. Nang mapagod napagpasyahan namin na magtungo sa food court ng mall. Na-miss namin kumain ng kwek-kwek at palamig na gulaman. Kahit ito lang ang bibilhin namin solve na kami sa busog. Ito ang paborito namin kainin noon dahil bukod sa masarap abot kaya ng budget namin. "Hinahanap-hanap ko 'to noon nung lumipat kami Ng Iloilo, iba kasi ang gawa nila dito." Sabi ko kay Nanet. "Ako din naman Besh hinahanap-hanap ko 'yong bondi

