Chapter 2

2314 Words
Isa sa magaling na basketball player si Kiero sa school nila. Kateam nito ang mga nag-gagwapuhan nyang pinsan na sina Dustin, Zack at James. Sikat silang mag pipinsan sa campus lalo na si Kiero hindi dahil gwapo sya kundi dahil pasaway sya. Palaging nag ka-cutting class at nakikipag suntukan sa mga senior high school. Madalas ay ang nakakatanda nyang pinsan na si Ricky ang umaawat sa kanya. Lagi syang laman ng Guidance office. Napakababa pa ng mga grades nya. Si Erica naman ang pinaka matalino sa kanilang klase. Maganda at pinag aagawan ng mga lalaki pero sa kabila ng kasikatan nya sa mga boys eh may rule naman sya para sa sarili nya. Isa na rito ay ang "Study first before boys". She wants her parents to be proud of her kaya ginagawa nya ang lahat para hindi mawala sa pagiging top 1. But one day, she breaks one of her rules. There's an exception in every rules, ika nga nila. "Ano crush mo si Kiero? Ewww!" Reaksyon ng bestfriend nyang si Stella. "Eww? He's cute at ang galing nyang magbasket ball. Look! Go Kiero!" Cheer nya kahit alam naman nyang hindi sya maririnig o mapapansin ng binata. "Yes, he's cute and all that but, Erica? He's a badass!" "Alam ko." "Whatever! Edi kung crush mo sya sabihin mo." "Saka nalang siguro. Nahihiya ako." "Ikaw pa ang nahiya? Duh! Mas mahiya sya lalo na sa mga grades nya." Pagtataray ng kanyang kaibigan. Hindi nalang nya ito pinansin at nagpatuloy sa pag chi-cheer. Habang tumatagal lumalalim ang pagkagusto ni Erica sa binata kahit hindi naman sya pinapansin nito. Never pa din silang nag uusap o nagkakatabi man lang sa upuan. Naglalakad si Erica sa corridor para ipasa ang planetarium na project nya na pinagpuyatan nya buong gabi. Masaya sya habang tinititigan nya ito. Pag liko nya sa kaliwa papunta sa faculty at may lalaking nagmamadaling tumatakbo at nabangga sya. "Hey!" Sigaw nya ng makita ang project nyang nasira. Mangiyak ngiyak nya itong pinulot at tumingin sa lalaking nakabangga sa kanya. Si Kiero. "Hindi ka man lang ba magsosorry?!" Pagalit nyang sigaw pero hindi sya makatingin sa binata. "Bakit ako mag sosorry? Ikaw ang humarang sa daanan ko." Kalmado nyang sagot. "Haaay!" Inis namang reaksyon ni Erica "Paano na itong project ko? Sira na!" "Kiero, bilis. Parating na si Mam tanda!" Sigaw ng pinsan nyang si Zack. "Babayaran ko nalang yan bukas." Sabi ni Kiero bago umalis. Naiwan si Erica na inis na inis at maiyak iyak sa sinapit ng project nyang pinagpuyatan pa naman nya. Tapos na ang klase, nasa labas ng building si Erica at hinihintay ang kanyang service nang makita nito si Kiero na nakatayo sa waiting shade. May tumigil na sasakyan sa harapan ng binata at galit na galit na sinampal ng hindi katandaang lalaki si Kiero. Nagulat si Erica sa nakita. It must be his Father? Bakit ito galit na galit kay Kiero? Buong gabing iniisip ni Erica ang nakita nya. Nabobother sya. Hindi siguro maganda ang relasyon nya sa kanyang Ama. "Hi Erica, may hinihintay ka?" Bati ni Macky. Isa sa kaibigan nyang patay na patay sa kanya and she is aware of it. "Hi Macky. Oo." Nakangiting sagot nito. Nang makita ang hinihintay ay agad itong tumakbo para sundan si Kiero. Sinundan nya si Kiero hanggang sa likod ng school. Paakyat na ito ng bakod ng may tumawag sa kanyang senior high. Kitang kita ni Erica kung paano bugbugin at pagtulungan si Kiero ng mga iyon. Wala naman syang magagawa kundi manood nalang. Halos duguan na ang mukha ng binata ng tigilan sya ng mga senior high na lalaki. "What the f**k, Kiero?! Diba sabi ko wag ka ng lumapit sa senior building! Naghahanap ka talaga ng sakit sa katawan!" Inis na sigaw sa kanya ni Ricky ng awatin nya ang mga bumubugbog sa pinsan nya pero hindi nya ito pinansin. Gustong lumapit ni Erica pero wala syang lakas ng loob, mabuti na lamang umawat si Ricky sa mga ito. Sinundan pa din ni Erica ang binata nang makita nya itong tumakbo palayo. Nasa bus stop na sila ng magkalakas ng loob si Erica na lumapit. "About doon sa planetarium project ko. Okay na yun. Hindi kana sana humingi ng pera sa Daddy mo para doon." Tiningnan sya ng masama ni Kiero. "Who the hell told you that?" Iritado niyang tanong "Nakita ko kayo kahapon ng daddy mo sa harap ng school." Mahinang sagot ni Erica. Umirap lang si Kiero sa kanya saka sumakay sa bus na kararating lang. Sumakay din si Erica kahit hindi nya alam kung saan sya makakarating. Bumaba sila sa isang lake. Palubog na ang araw. Sinundan pa din nya ang binata sa paglalakad. "Aaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaah!" Sigaw ng sigaw si Kiero habang binabato ng bato ang lake. Pinapanood lang sya ni Erica. "Kiero." Pigil nito. "Kiero, magsalita ka naman. Alam mo bang mababa ang grade ko sa science dahil hindi ako nakapag-pasa ng project? Mapapagalitan ako dahil doon." Hindi sya pinapansin ni Kiero. "Bakit kaba ganyan? Wala ka man lang bang sasabihin? Hindi ka man lang ba hihingi ng tawad? Ang sama mo talaga!" Inis na bulyaw nya. "Diba sabi ko babayaran kita? Give me your account number!" Bumato ulit sya sa lake. "Mababaliw na ako sa paulit ulit mong kakasabi ng tungkol dyan sa project na yan. Nakakinis na! Dinadagdagan mo ang sakit ng ulo ko! Fvck it! Umalis kana! Alis!" Pagtataboy nya sa dalaga at itinulak nya ng malakas kaya natumba ito sa batuhan. Sigaw ng sigaw si Kiero na para bang pasan nya ang buong mundo at binato ng binato ang lake hanggang mawala ito sa sarili at lumusong sa lake. Takot na takot si Erica ng hindi na nya matanaw sa tubig si Kiero kaya nagsisigaw ito para humingi ng tulong. Agad naman syang nakahingi ng tulog. Inabot sila ng gabi sa lake at naglakad pabalik sa bus stop ng lugar na iyon. Basang basa sila pareho dahil umuulan din. "Nakakainis! Ang hirap nyang intindihin. Pagkatapos syang tulungan ng mga tao sa lake ang isasagot lang nya ay dahil nagpapalamig lang sya ng ulo? Tapos nagalit pa sya sa mga tumulong sa kanya pagkatapos syang pagsabihan? Seriously?" Murmured nya mag isa habang naglalakad. Sayang lang kasi ang pagsunod nya sa binata. Nagsisisi sya ngayon. Nasa likod naman nya si Kiero na tahimik na naglalakad. Nanlalambot na naupo si Erica sa upuan ng bus stop dahil sa ginaw kaya hinubad ni Kiero ang puting polo nya at ipinatong sa likod ng dalaga.Nakaputing tshirt nalang ngayon ang binata, giniginaw din sya ngunit hindi nya ito ipinapahalata sa kasama. Pinagmamasdan ni Kiero ang malakas na ulan. "Noong namatay si Granpa, sabi ni Daddy na temporary separation lang daw yun and grandpa is waiting us in heaven. People who love each other will never separate, kaya wag ka ng malungkot." Open conversation ni Erica dahil nabibingi na sya sa katahimikan. Wala syang ibang maisip na topic kundi iyon. Lame. "Your dad is a liar, how could he say that? Temporary separation? and your grandpa? Masama siya!" Natatawa nyang opinyon. "What?! He's not a liar, Kiero! Granpa is a good man, you asshole!" Naiirita nyang sagot. "He is lying about temporary separation. Iniwan ka ng Lolo mo and your family. Una syang nang-iwan kaya masama sya." "How could you think like that?!" Inis na inis na si Erica. "I miss grandpa. Simula ng namatay sya, nawalan ako ng kalaro at kausap sa bahay. Because my parents are so busy with their business." Dugtong niya. "Isip bata! Childish!" Natatawa nyang sabi. "Bakit ka ba ganyan? Bakit ba ang sasakit ng mga binibitawan mong salita kapag ako ang kausap mo?!" Reklamo ng dalaga. "Huh?" Napahiya si Kiero sa sinabi ng dalaga pero tumawa naman sya ng tumawa. Pinara ni Kiero ang paparating na bus at agad silang sumakay. Pagdating nila sa downtown ay nagyayang kumain si Kiero. "Dahan dahan lang." Saway ng binata kay Erica. "Hindi ka ba nag-iisip? You can choke and die!" Dugtong pa niya. "Sino kaya sa atin ang hindi nagiisip? Sino kaya yung lumusong sa lake. You can be drowned and die!" Ganting sagot ni Erica. Napahiya si Kiero kaya umirap nalang ito at itinuloy ang pagkain. "May gusto ka sa akin no?" Aniya. Natigilan sa pagkain si Erica at gulat na tumingin kay Kiero. Totoo ang tanong nito pero ayaw nyang mapahiya kaya sumimangot ito na kunwari ay hindi alam ang sinasabi. "What?" "Diba araw araw kang nag chicheer sa akin sa gym?" Ngumiti ito ng nakakaasar. Halos lumubog si Erica sa hiya. Huli na sya pero she keep on pretending na wala syang alam. "Paano mo naman nalaman na ako yun?" "Sa lahat ng nag chi-cheer, boses mo ang nangingibabaw." "Yung no. 10 ang chinicheer ko, si Zack. Lucky number sa akin ang 10" "Talaga? I'm the number 10. Stupid!" Tumawa ito. Now she can't deny it anymore. Hindi na ito sumagot at kumain nalang. Umuulan pa din at malalim na ang gabi. Hinatid sya ni Kiero pauwi sa bahay. Malayo palang tanaw na nila sa gate ang parents ni Erica, Stella at macky na nag-aalala kahihintay kay Erica. "Mommy, Daddy. I'm sorry." Malakas na sampal ang isinagot ng Mommy nya na ikinagulat ng lahat. "How can you did that to us?! Pinag alala mo kaming lahat dito! Hindi ka man lang sumasagot sa tawag namin?! Sino yang kasama mo? Boyfriend mo ba sya, Erica? Umuwi ka ng ganitong oras kasama ang lalaking yan?! Tingnan mo ang sarili mo! Basang basa ka ng ulan!" Galit na galit ang Mommy ni Erica. "Mommy, Sorry. Hindi na po mauulit." "Talagang hindi na mauulit! Hindi ka namin pinalaki ng ganyan ng Daddy mo! Pagod na pagod kami sa pag tatrabaho ng daddy mo tapos ganyan lang ang igaganti mo sa amin? Hindi kana ba nahiya?!" "Honey, Tama na." Awat ng kanyang asawa. Maiyak iyak na si Erica sa mga binibitawang salita ng kanyang ina. "Kaya ba mababa ang grade mo sa isang subject dahil nag kacutting class kana rin? O baka nakikipag date ka dyan sa boyfriend mo?! Tell me, Erica! How could you!" Nagwalk out na ang mommy nito. Sumunod naman si Erica sa ina ganun din ang daddy nya. Naiwan sa gate si Stella at Macky. Sinugod ni Macky si Kiero at hinawakan ang kwelyo ng T-shirt. "Oras na lumapit kapa ulit kay Erica, humanda ka sa akin! Naiintindihan mo?" Tinulak nya si Kiero. "Tama na Macky!" Saway ni Stella. Ilang araw ng absent si Erica. Nang malaman ni Kiero na may sakit si Erica, inabangan nito si Stella sa labas ng classroom. "Stella, right?" Tumingin mula ulo hanggang paa si Stella sa binata "Yes. Bakit?" "Can you give this to Erica?" Inabot nya ang paper bag sa dalaga. Agad namang tinanggap ito ni Stella at umirap. Gaya ng sabi ni Kiero, idinaan ni Stella yung pinabibigay nito sa kaibigan. "Hi, bestie. Kamusta kana? Ok ka na ba?" "Konti" Walang gana nyang sagot. "Dapat kasi nag eexercise ka. Galaw galaw. Nakakahina kaya ang maghapong nakahiga." Biro ng kaibigan. "So, should I play basketball?" Pabiro niyang sagot? Inabot agad ni Stella yung paper bag. "Ano yan?" "Ewan ko, tingnan mo. Baka regalo?" Stella sarcastically answered. "Pag may sakit mo lang ba ako bibigyan ng regalo?" Natatawa nyang sagot. "Duh!Galing yan kay Kiero." Umirap pa ang kaibigan. "Farewell gift daw niya sayo. Sa France na daw sya mag-aaral." Nagulat si Erica sa sinabi nya. Bumangon ito, kinuha ang kanyang Jacket at lumabas para pumara ng taxi. Hinahabol sya ni Stella. "Erica, what are you doing? May sakit ka!" Pigil ng kaibigan. "Let me go, Stella." Sumakay na ito ng taxi. Naabutan ni Erica si Kiero kasama ang kanyang mga pinsan na palabas palang sa gate ng school. Tipid na napangiti si Kiero ng makita si Erica. "Mauna na tayo." Ani Dustin. "Dude, So see you later at Dustin house ha!" Ani Zack bago nila iwanan si Kiero. "Pwede bang wag ka ng umalis?" Maiyak iyak nyang sabi. "My mom missed me. She's in France. Nag divorced sila ni Dad 3 years ago. Mahilig sa Fashion si Mommy kaya pumunta sya sa France para mag aral. Ayaw ni Dad pumayag lalo na at gusto akong isama ni Mommy doon." Paliwanag nya. Nagets naman agad ito ni Erica. "Talaga?" Malungkot nyang sagot. "Gusto kong makita ang Eiffel Tower. Pero gusto ko kasama yung taong mahal ko." Ngumiti sya ng bahagya. "Paano nga pala ang Dad mo kung aalis ka? Iiwan mo sya mag isa?" Tanong ni Erica. "Dad hates me." Sumeryoso ang mukha nya. "Huh?" "Lahat ng gusto ni dad na gawin ko ay ayoko." Saglit tumahimik si Kiero. "Mahihintay mo ba ako?" Ngumiti si Kiero. "I like you, Erica." Napatingin si Erica sa binata. Ngumiti din ito. "Talaga? Kelan pa?" "Simula ng ipag-cheer mo ako habang nag ba-basketball ako." Namumula na si Erica. "Kelan ka babalik?" "Mhmm. Maybe after 10 years?" Nalungkot si Erica? That long? Kayanin kaya ni Erica maghintay ng 10 years? "Ang tagal naman." Sumimangot ito. "You'll wait for me? Lucky number mo ang 10 diba?" Nakangiting sagot ni Kiero to cheer her up. "10 years lang pala eh. I will wait for you. Make sure na babalik ka! Patay ka sakin!" "I love you Erica." "I love you too, Kiero. But wait! Kapag nasa France kana, quit your habit? Ayoko ng nag kacutting class ka, ayokong iinom ka ng alak or maninigarilyo. You will change for me. Study first before girls. Okay? You promise?" Tumawa sila pareho. "Okay. I promise." Hindi umabot ng sampung taon gaya ng sinabi ni Kiero. 10 months ay umuwi din sya sa Pilipinas for Erica. Hindi nya pala kaya ang malayo sa dalaga. Sabay silang nagtapos ng Highschool. Pareho sila ng pinasukang university ng College. Naging sandalan nila ang isat isa sa loob ng mahabang taon na pagsasama. Sabay din silang nagtapos ng College.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD