Chapter 5

2974 Words
"Kiero!" Sigaw ni Ricky at James sa kanya ng makita sya ng mga itong lumabas mula sa arrival area. Tinapik nya ang dalawang pinsan ng makalapit. "The heck! Ang payat mo!" Ani James. "I know." "Ihanda mo ang sarili mo kay Zack. He'll gonna piss you." Natatawang sabi ni Ricky habang naglalakad sila papunta sa parking lot. "Hindi pa din siya nagbabago. How's Dustin? May baby na ba sila ni Kara?" Sa back seat na naupo si Kiero. Katabi nya ang ilan nyang bagahe. "She's 7 months pregnant. Ninong tayo." Ani Ricky nang buhayin nya ang makina ng sasakyan. "They are 2 years married pero ngayon lang nakabuo." Ani James na tatawa tawa. ----Commercial break. Charot! May story si Dustine at Kara, Upload ko soon... ----- "I guess they are both busy, right? Sa Singapore pa din ba si Zack?" Tumango lang si James "Eh ikaw James? How are you?" Dugtong na tanong ni Kiero. "Naku, alam mo namang si Maki lang ang babae sa buhay nyan. Hanggang ngayon hindi pa din magawang ligawan. Mukhang mauunahan na nga ng iba sa sobrang torpe." Si Ricky ang sumagot. Sinuntok naman sya ni James sa braso para tumigil sa pang aasar. "Shut up, Kuya! Mana lang ako sayo sa katorpehan kaya hanggang ngayon dinadaan mo sa pag susungit yang si Amara." Bawi ng kapatid nya. "Who's Amara?" Sa loob ng dalawang taon na walang komunikasyon sa kanyang mga pinsan ay wala na din itong alam sa mga nangyayari sa mga ito. Tanging si Sabrina lang ang nakakausap nya sa magpipinsan dahil paminsan minsan ay nagpupunta ng France ang dalaga. Hindi gaya noon. Halos araw araw ay magkakasama sila at madalas pang mag sleepover sa bahay nina Dustin. "His secretary, Kiero." Natatawang sagot ni James. "Damn it, James! Hindi ko gusto ang babaeng yun. Masyado syang naïve! Tigilan mo nga ako." Inis na sabi ng kapatid kaya tumigil sa pagtawa si James. Napipikon kasi ang kapatid nya kapag si Amara ang pinag uusapan. Tumingin si Ricky sa rear mirror para tingnan si Kiero. "Dadaretso ka na ba sa hospital?" Tanong nya dito. Huminga ng malalim si Kiero. "No. I will see Mom first." Ani Kiero saka pumikit. Sa ancestral house nakatira ngayon ang mommy nya. Minana ito ng kanyang ina sa mga yumaong magulang. Mas pinili nyang tumira dito kaysa sa mansion nila sa syudad. Masaya syang sinalubong ng kanyang ina ng makababa ito ng sasakyan. They are both became emotional sa muling pagkikita. Dumalaw sila sa hospital. Kakatapos lang kumain ng daddy nito ng makapasok sila sa loob. With teary eyes, Kiero holds his Father's hand. "Anak, dumating ka." Ani ng matanda at nagsimulang tumulo ang luha. Masaya sya ng makita ang anak. Yumakap ito ng matagal. Umiiyak namang nanonood ang kanyang ina. "Patawarin mo ako anak sa lahat ng kasalanan ko sa iyo. Hindi ako naging mabuting ama. Ang dami kong pagkukulang sa'yo. Hindi ko akalain na pagbibigyan mo ang munti kong hiling na makita ka bago ako mawala dito sa mundo. Maraming salamat, anak. Sana ay mapatawad mo ako." "Matagal ko na kayong pinatawad, Dad. I'm sorry, dad. Ako naman ang hihiling sa'yo dad. Magpagaling ka. Lumaban ka Dad." Ani Kiero na nanginginig ang boses. "Hindi ko na yata kaya anak. Matanda na ako at mahina na ang katawan ko, kumalat na din ang cancer sa katawan ko... Masaya ako dahil sa huling sandali ay nakita kita at nakahingi ako sa'yo ng tawad. Alagaan mo ang Mommy mo, anak. Wag mo syang pababayaan gaya ng ginawa ko... Wag mong iiwan ang mommy mo kahit anong mangyari." Humigpit ang yakap nila sa isat isa. Umalingawngaw ang iyak sa loob ng kwarto. Maging sina Ricky at James ay hindi napigilang lumuha. Sa loob ng ilang linggo, si Kiero ang nagbabantay sa Daddy nya. Gaya ng sabi ng doctor, hindi na kaya ng katawan ng matanda na lumaban sa cancer dahil kumalat na ito. He died at the age of 59. Hindi umiyak si Kiero. Siguro ay ubos na ang luha nya. Manhid na sya sa lahat ng sakit dahil wala syang maramdamang lungkot habang pinagmamasdan nya ang kanyang ama na wala ng buhay. Hindi nya alam kung ano ba ang malaking kasalanan ang nagawa nya at pinaparusahan sya ng ganito. Bakit kailangan nyang magdusa ng ganito? Bakit kailangan nyang maramdaman at maranasan ang lahat ng ito? Tinapik sya ni Dustin. Sya nalang ang natira sa puntod dahil nag-uwian na ang ilang nakilibing. "Let's go?" Ani Dustin. Tumango lang si Kiero at humarap sa pinsan. "I am the worst. Am I?" Pilit syang ngumiti. "It's okay. Everything will be okay. Nandito lang naman kami para sayo." Dustin couldn't say anything but cheer him up. He saw the sadness in his cousin's eyes. "Dito din ba sya nakalibing?" His voice is shaking. Tumango lang si Dustin. "I still can't believe we end up like this. I've tried many times and put so much effort into making things good between us...Pero, wala eh. Iniwan nya pa din ako. Bakit iniiwan ako ng mga taong mahal ko?" Pilit na naman syang ngumiti. "Hindi lahat. We are still here. Hindi ka namin iiwan sa lahat ng laban mo Kiero. We are family. Tara na? They are waiting for us... Or... You wanna visit her..." "No. Not now. Hindi pa ako handa. Salamat, Dustin." Mabilis nyang sagot saka naunang naglakad papunta sa sasakyan. --- Walang ibang magmamanage ng naiwang company ng Daddy nya kaya napilitan si Kiero na hawakan ito. Wala syang masyadong alam sa construction and service supply kaya naman ilang buwan din syang nag training. Pinag aralan nya ang bawat detalye ng kumpanya at ang mga pasikot-sikot nito. Tinutulungan din naman sya ni Dustin na bihasa pagdating sa negosyo. Mag isang nakatira sa mansion si Kiero. Paminsan ay dinadalaw sya ng mga pinsan nya para maglibang. Kakatapos lang nyang maligo, nakatapis lang sya ng towel ng lumabas ito ng banyo. Pumasok naman manang Len sa kanyang kwarto walang reaksyon na tila ba sanay na itong makita ang binata na ganun. Sa bagay sya din naman ang nag alaga noon kay Kiero mula nang sanggol palang ito. Halos si Manang Len ang saksi sa ups and down ng pamilya kaya sya rin ang pinagkakatiwalaan noon hanggang ngayon mag asawa sa bahay. "Iho, nandyan na sa ibaba ang anak ng assistant ng inyong ama." Bungad nya sa binata. "Salamat Manang Len. Susunod na ako. Magbibihis lang po ako. Kayo na po ang bahala sa kanya." Sagot nito habang pinupunasan ang kanyang basang buhok. "Sige iho. Dinalhan na sya ni Marya ng maiinom. Kukunin ko na din ang marumi mong damit." Nang makuha ni Manang Len ang marumihan ni Kiero ay lumabas na din ito. Itim na polo at black jeans ang suot nya ngayon. Nagresign ang dating assistant ng ama nya. Ayon sa mga nakakausap nya sa kumpanya, matalik na magkaibigan daw si Mr. Monteverde at ang kanyang ama. Hindi daw matanggap ni Mr. Monteverde ang pagkawala ng kaibigan kaya nagresigned ito.  Ayaw sanang pumayag ni Kiero pero ayaw nya ding pilitin ang matanda. Nirerespeto nya ang desisiyon ng matanda. Matagal ding nagsilbi si Mr. Monteverde sa kanyang ama so he think the old man need a long break. He also asked for recommendation para sa bagong assistant at ang anak ni Mr. Monteverde ang inirekomenda nito. Habang bumababa sya sa engrandeng hagdan ng mansion ay nakatingin sya ng matalim sa dalagang nakaupo sa malaking sofa. She looks so familiar. Para bang nakita na nya ito noon pa sa kung saan. Mabilis ding kumabog ang puso nya ng hindi nya mawari ang dahilan ng magtama ang kanilang mga mata. "Good Morning Mr. Sy. I'm Maria Chiennevy Monteverde, Mr. Rolando Monteverde's daughter... Just call me Chienne." Masigla nyang bati sa binata. Kiero refused to extend his hand. "Have a seat." Pareho silang naupo sa magkatapat na puting sofa. "So, Ms. Monteverde... Aside from being the daughter of my dad's best friend, why should I hire you?" Nanlaki ang mata ni Chienne sa tanong ni Kiero. Hindi nya akalaing interview pala ang ipinunta nya sa mansion. Ang akala nya kasi ay gusto lang nyang makita ang huling documents na hawak ng kanyang ama bago namatay ang ama ni Kiero. Kiero impressed with chienne answers. Sa tingin nya ay mahusay ito at madaming alam tungkol sa fields na papasukan nya. "Uhm... Mr. Sy. Regarding sa..." "Just call me Kiero. Continue." "Regarding sa mga suppliers. Sigurado ka bang gusto mo silang palitan lahat? I mean... Ang ilan sa mga ito ay matagal ng supplier ng kumpanya, lalo na ang Izzumi Corporation ang at Rubber Company. Unfair naman kung tatangalin mo sila ng ganun ganun. Why don't you reconsider them? They are a good supplier of the company." Mukhang nagbago agad ang impresyon nya sa talaga sa mga sinabi nito. Agarang kumunot ang noo ni Kiero. "I'm sorry? Sa tingin mo ba ay mababa lang ang rason ko kung bakit ko sila papalitan lahat? I know what I am doing. Kung wala ka ng sasabihin, let's end this." Iritang sagot nito sa dalaga. "That's not what I mean. Sila na ang supplier na may mababang presyo. I thought..." He clenched his jaw. Matalim itong tumingin sa dalaga at hindi na rin nya pinatapos ang sasabihin ni Chienne. "Ms. Monteverde. We are not into the price. Yes, they gave us the lowest price they have but we are into quality, isn't it? Bago mamatay si Dad, ito na ang problemang kinakaharap nila. Most of the previous projects are complaining about the quality and it is really affecting the business. Did Mr. Monteverde mention it to you or you are just stating your very own perspective, Ms. Monteverde?" Hindi na sumagot si Chienne. Mas lalo din syang nainis sa biglaang pagpapaalam ng dalaga. She ended the conversation without even defending her conclusion about the suppliers. His first day as the new CEO of SyConSu Corporation is quite toughed for him. Kahit gaano pa sya kagaling sa training at pagrereview tungkol sa kumpanya ay mas iba pa din ang pakiramdam kung actual mo na itong gagawin. There should be no mistake. Sa business, bibihira lang ang second chances. "Nakakainis! He's so mean and cold. Wala naman akong ginagawang masama sa kanya. Ang sungit sungit nya. Grabe!" Maktol ni Chienne sa kasamahan nya. "Ganun talaga ang lahat ng mga gwapo. Masusungit." Sagot ni Lanie na katrabaho nya. "Balita ko namatay daw ang girlfriend ni Sir 2 years ago. Kaya siguro masungit sya." Dugtong naman ni Jovy na empleyado din ng SyConSu. "Tatanda syang binata kung ganon!" Ani Chienne. Nagtawanan ang tatlong dalaga. He saw the shocked expression on Chienne's face as he entered the room. Tiningnan nya ito ng masama. Nakayukong umalis ang dalawang kausap ng dalaga. "Aren't you working?" Ani Kiero saka nya ito tinaasan ng kilay. "It's my break time." Sagot ng dalaga without looking at him. "Yan ba ang ginagawa mo sa breaktime mo?" Hindi makasagot si Chienne. Yumuko nalang ito at huminga ng malalim. "Follow me." Malamig na sabi ni Kiero saka sya pumasok sa kanyang opisina. Nang makapasok sa loob ay naupo agad ito sa kanyang swivel chair. Nakatayo naman si Chienne sa harap ng table ng binata. "I need you to look into these lists of suppliers. I need your feedback about them and I need it tomorrow." Inabot nito ang isang envelop na agad tinanggap ni Chienne. She scanned the papers at mariin na tumingin sa binata. Pinagtaasan lang sya ng kilay ng binata. "Yes, Ms. Monteverde?" "Tomorrow? Almost 100 lists of suppliers, hindi ko yata kayang tapusin ito ng ganun kabilis. Give me at least 2 days." "Masyadong matagal ang 2 days. Madami pa tayong kailangang tapusin. Be productive Ms. Monteverde. You can do research, contact them and ask them for a proposal. Do I need to spoon feed you?" Ani Kiero without looking at her. "Fine." Walang ganang sagot ni Chienne. Malungkot na lumabas ng opisina si Chienne. Pakiramdam nya kasi sa tuwing kausap nya ang binata ay nagmumukha syang tanga at walang alam sa harap nito... O iyon talaga ang ginagawa ni Kiero? Ang pagmukhain syang walang alam? Sinundan ng tingin ni Kiero ang dalaga hanggang sa makaupo ang dalaga sa desk nya. He's observing her. Tahimik na nakaharap si Chienne sa kanyang computer. Halatang wala sa mood ang dalaga at hindi makapag concentrate sa dapat nyang gawin. She placed her fingers on her temple at tumitig sa computer, animoy may nilalabas na laser beam sa mata. Napanganga si Kiero sa ginawa ng dalaga. Bigla nyang naalala si Erica.  Iyon ang madalas gawin ng yumao nyang kasintahan kapag hindi ito makapag focus sa ginagawa. Pumikit sya at inihilamos ang mga kamay sa kanyang mukha. Why your memories are keep on coming back? I am trying to damn forget you, Erica! He said while leaning his head on the swivel chair. "How is your day, bro?" Bati sa kanya ni Ricky ng makalapit sya sa upuan nito. "What are you doing here?" Gulat niyang tanong. "Napadaan lang ako. You were so busy these past few weeks, baka gusto mong sumama sa amin mamaya?" Ani Ricky nang makaupo sa sofa ng kanyang opisina. "I will try. Ang dami ko pa kasing inaasikaso." Sagot nito habang tinitingnan ang email nya. "C'mon! May ipapakilala ako sayong chicks, bro. Sumama kana." Pangungulit ng kanyang pinsan. "Oo na." Sumuko na sya sa pangungulit ni Ricky. Alam din naman kasi nyang hindi sya nito titigilan. Kiero walked into the Epso Club, a dusky, dingy, dank little nightclub off the beaten path. He is really familiar with this kind of place...the intermingled smells of smoke and sweat and too many people instantly assaulted his nostrils as he inhaled deeply. Lumapit siya kay James at naupo sa katabing bar stroll. He caught James' eye, shook his head, and smiled downward. Pareho kasi nilang pinapanood si Ricky na pumuporma sa isang grupo ng mga kababaihan sa gitna ng dance floor. Ito yung Ricky na kilala nya noon pa. Playboy. He motioned to the bartender..."Gin...and Tonic" he mouthed, and the bartender nodded and melted away into the cries of a hundred other thirsty patrons. "Akala ko ba may ipapakilala sa akin si Ricky?" Ani Kiero habang hinihintay ang kanyang alak. "Maghintay ka lang. Kilala mo naman si Kuya... Hindi nauubusan ng babae." He laughed as he drinks his beer. Ngumiti lang siya bilang sagot sa kanyang pinsan. Muli pa nyang iginala ang kanyang mga mata. By now, his eyes were adjusting to the imminent darkness, tomblike and womblike at the same time. Bright spots of neon beer signs on the wall stood out, illuminating the faces and cleavage and Mohawk of the crowd, while others disappeared into the contrasting blackness. How many of these people had I met before? Who will get laid tonight? He wondered as he grinned. "Hey!" Sigaw ni Ricky ng makalapit sya sa kanilang pwesto. He's with 2 girls with a very revealing top. "Kiero, this is Monica, right?" He looked to the girl to his left to make sure he said the correct name. Tumango yung babae "He's Kiero, my cousin and he is single." Pakilala nya sa babaeng nasa kaliwa nya. They talked. Dance. Drink. Flirt all night... and yeah. Monica got laid tonight. Bumalik ang worst Kiero from France. He woke up with a huge headache. Inabot nya ang kanyang cellphone sa gilid ng kama dahil kanina pa itong tumutunog. "Good Morning Sir. Are you coming to work today?" Ani ng babae sa kabilang linya. "No. Please tell Ms. Monteverde to email me her report about the supplier. Thanks." "Wait Sir! Hindi po makakapasok si Mam Chienne ngayon. Nasunugan sila ng bahay kagabi. Kasama sa nasunog ang tatay nya at ang kanilang kasambahay." Paulit ulit na nagmura si Kiero. She ended the call. Pakiramdam nya ay may sumpa syang dala dahil lahat ng nakikilala nya ay maagang namamatay. Kahit masakit ang ulo ay bumangon ito. "Hey, honey. Where are you going? It's too early." Ani Monica. Now he realized that Monica is still on his bed. Hindi nya ito pinansin, dare daretso itong naglakad papunta sa banyo. He is wearing a black sharp-looking and well-fitted suit. Kagaya ng ginagawa nya sa mga babaeng naikakama nya, iniwan nya si Monica mag isa sa kanyang kwarto. He tried to call Chienne pero hindi nya ito sinasagot. Sinubukan nyang tawagan yung number na tumawag sa kanya kanina. She gave the address of the funeral homes where Chienne is. Pagkababa nya ng kanyang kotse ay pinagtinginan agad sya ng mga tao doon. Hindi nya alam kung bakit pero nagpatuloy syang maglakad. Kasunod nya ay ang mga tauhan ng flowershop na binilhan nya ng bulaklak kanina. "I...I am truly sorry to hear of the loss of your father." Ani Kiero ng makalapit kay Chinne na tulalang nakatitig sa labi ng kanyang ama. "Ang sakit sakit. Bakit sa dami ng kukunin sa akin ay si Papa pa." Tugon ng dalaga habang umiiyak. "I understand how hard a separation is..." He tapped Chienne's back to comfort her. This scene is also familiar. It was almost 8 months ago since his father died pero sariwa pa din sa isipan nya ang mga pangyayari. Inabot ni Kiero ang kanyang panyo sa dalaga, ayaw tanggapin ni Chienne kaya siya na mismo ang nagpunas sa luha ng dalaga. She looks so hopeless now. "You can cry all you want hanggang sa mapagod ka at maubos ang mga luha mo. I know it's hard. Kung kailangan mo ng tulong just let me know." Tumango lang si Chienne habang umiiyak. Kiero can't understand what he felt when he saw Chienne was crying. He can't resist watching her... parang may kumukurot din sa kanyang puso and he hates it.  Bakit ganito ang impact nya sa akin? This is bullshit! He thought while he is staring at her.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD