Mahigpit na hinawakan ni Kelly ang sulat na matagal niyang pinaka-ingatan. Kanina pa nanginginig ang buo niyang katawan sa antisipasyon— naka-ilang ulit na rin siyang humugot ng malalim na paghinga at mariing napapa-lunok. After five, long years... Brad came back. And she just couldn't wait to see him. Bagaman may mga pagkakataong nagdududa siyang makikitang muli si Brad ay hindi siya nawalan ng pag-asa. Because she was holding on to his promise. Ang problema na lang niya sa sandaling iyon ay kung ano ang sasabihin kay Brad sa muli nilang pagkikita. May sasabihin ba siya? O iiyak na lang at yakapin ito ng mahigpit? Napakagat-labi siya saka niyakap ang sarili. Hindi niya alam kung dahil lang sa sobrang nerbyos kaya siya nanginginig o dahil sa lamig ng airconditioning system sa loob ng

