Pabaling-baling ng tingin si Karl habang mabilis na naglalakad patungo sa front gate ng school. Dahil dami ng tao kanina sa backstage ay madali itong naka-puslit matapos ang performance. At dahil naroon halos ang lahat ng tao sa loob ng events hall ay walang nakapansin ditong umalis at tinalunton ang daan patungo sa gate. He was planning to sneak out and get something for his mother. Something like… a flower. He wanted to thank her for the encouragement she gave him, and to also say sorry for acting strange the whole day. Nakita nito ang pag-iyak ng ina matapos ang performance, at naisip ni Karl na marahil ay dala iyon ng labis na pag-aalala at lungkot dahil sa buong araw na pananahimik nito. Kaya naman naisip ni Karl na pumunta sa flower field hindi kalayuan sa school upang hanapin an

