"Karl? What are you doing here?" tanong ni Kelly sa anak nang makita itong naka-upo sa garden set at tahimik na idinuduyan ang naka-angat na mga paa. Pasado alas-otso na ng gabi at katatapos lang nilang maghapunan. She was helping her mother do the dishes when she noticed Karl was not in the living room. Ang naroon lang ay ang papa niya na nanonood ng balita sa telebisyon. Nang lapitan niya ito ay doon niya nalamang nagpaalam si Karl na magpapahangin sa labas. Muntik na niyang pagalitan ang ama dahil sa pagpayag nitong lumabas ang apo kahit gabi na. Si Karl ay bahagya lang siyang nilingon saka muling yumuko at itinuloy at pagduyan sa mga paa. "Nothing, Mom." Bumuntong-hininga siya saka tumabi rito. Matagal muna niyang pinagmasdan ang anak na nanatiling nakayuko sa Bermuda grass bago siy

