"Ano kaya ang magiging reaction mo pag kinuha ka pa nila bilang isa sa mga maid of honor." Agad kong pasekretong binatukan si Marie.
"Aray, tangina ang sakit."
"Mahiya ka nga, nasa loob tayo ng Simbahan."
"Nag aalala nga ako sayo kanina pagpasok mo dito sa Simbahan, akala ko masusunog ka." tawa sya ng tawa, inirapan ko lang siya. Excuse me, ba't ako? Ang bait ko kaya.
"Teka lang ha, nasa labas na daw si Edrian, pupuntahan ko lang."
"Ewan ko sayo, ba't mo pa pinapunta dito yung boyfriend mo e hindi naman siya invited." tumawa lang sya at umalis na. Hindi ako sure pero feeling ko parang totoo naman talaga yung pagmamahal ni Edrian kay Marie, mahal na mahal yung kaibigan ko eh, akala naman ng gaga ikinaganda niya yun.
Nilibot ko yung tingin ko dito sa loob. Puno ng kulay yellow, green at White yung buong Simbahan. Sabagay, mahilig talaga si Sir sa color Green at Yellow.
Ito yung dream wedding ko, kasama sya.
Gabi gabi ini-imagine ko yung magiging kasal namin, kung sino yung magiging maid of honor, kung ano ang susuotin ko. Iniimagine ko lahat.
Hindi ako makapaniwalang nandito ako sa Simbahan, dinaluhan yung kasal ng taong mahal na mahal ko.
Minsan pag binabalot na ako kalungkutan, hihiga lang ako sa kama tapos mag iimagine ng mga senaryong imposibleng mangyari sa buhay ko.
Akala ko talaga puwede eh. Akala ko isang araw gigising ako kasama siya. Akala ko isang araw uuwi ako ng bahay na may naghihintay saken at syempre sya yun. Akala ko isang araw matutupad 'tong pangarap ng bata kong puso. Akala ko lahat ng naghihintay, ay masusuklian ng kasiyahan. Akala ko lahat ng mga iniimagine ko magiging totoo, balang araw.
Akala ko lang pala.
Ang tanga tanga ko! Putangina!
Kahit anong pilit,
Hindi talaga puwede.
"I'm glad you're here." bigla naman akong kinabahan ng narinig ko yung boses niya.
"Congratulations." ngumiti ako sa kanya.
"Salamat." ngumiti rin sya pabalik.
Hindi ko gusto na maging awkward kami sa isa't isa kaya binanatan ko sya- total dito naman talaga ako magaling.
"The best ka sir ha. Teacher ka nga talaga, hindi mo lang ako tinuruan sa science, tinuruan mo rin akong magmahal ng tama." biro ko.
"Makakahanap ka rin ng lalaking mamahalin ka, pero syempre kailangan mo pang mag aral, ang bata mo pa."
"Oo nga eh, may mairereto ka ba dyan Sir?" tumawa siya kaya nakitawa na rin ako.
"Uy Sir, parang nandyan na si Ms. Madrigal, puwesto ka na daliii!" tumingin siya sa malaking pinto ng Simbahan, magsisimula na siguro. Hindi na ako nag paalam, at umalis na ako sa tabi niya.
Hindi pa nag sisumula ang serimonya ay umalis na ako.
Hindi ko kaya.
Hindi ko kayang makita siyang ikakasal sa iba.
Siguro ugali ko na talagang magkagusto sa taong 'di dapat, 'di puwede, bawal at hindi maabot.
Salamat Sir Adi, dahil tinuruan mo ako na huwag ipilit, ang bawal.
Pero kahit 'di puwede, bawal at 'di dapat, hindi pa rin magbabago ang nararamdaman ko para sayo.
Mahal kita.
---
End.
Proud kos akong kaugalingun kay nakaya nakog ing ani ang ending hahahah!!!