Chapter 18

1339 Words
"Totoong may kapatid kayo, pero matagal na siyang p-patay" tinignan ko si Dad na nasa tabi ni Tita Allia, mata pa lang alam kong galit na galit siya. Nandito kami sa Restaurant. Kaming lahat. Pinapunta ako ni Sir Adi sa office niya para daw sabay na kaming pumunta dito. "Oliver, mahal na mahal ko si Jaikes. Mahal na mahal ko yung anak natin." Unti unting bumuhos na parang gripo yung mga luha niya. "2 years old siya noon, p-pumunta kami ng p-park. Oliver, binantayan ko ng maigi, b-binantayan ko ng maigi yung anak n-natin, p-pero, may m-malaking truck, tumakbo si J-jaikes ng hindi ko n-namalayan-" gulat kaming lahat sa sinabi niya, si Daddy na kanina ay galit na galit ngayon lumalambot na. Si Kuya Rix naman parang naiiyak rin, si Sir Adi walang emosyong ipinakita. Naiiyak rin ako sa kwento ni Tita Allie kahit hindi pa tapos, siguro sobrang sakit para sa kanya na mawalan ng anak, tapos wala pa si Dad nung mga panahong 'yun. "Si F-felice," hirap man sa pagsasalita ay pinagpatuloy ni Tita Allie, responsibilidad naman talaga naming malaman yung totoo. "Si F-felice, y-yung matalik kong kaibigan. Naalaa mo pa ba siya, Oliver?" tanong niya kay Dad, tumango lang si Dad, biglang napadako ang tingin ko kay Sir Adi ng bigla siyang yumuko. "Buntis siya pero h-hindi niya kinaya ang pangannganak. K-kaya pagkatapos niyang isinilang si A-adi, nawala rin siya" doon na tuluyan bumuhos ang luha ko, awang awa ako kay Tita Allie, anak at matalik na kaibigan ang nawala sa kanya. Sinong tunulong sa kanya? Wala. Tinignan ko si Sir Adi, kaya pala Mama ang tawag niya kay Tita Allie, dahil si Tita naman talaga ang nag alaga at tumayong Ina niya. Kusang tumayo yung mga paa ko papunta kay Tita Allie, niyakap ko siya ng mahigpit. Noong una galit na galit ako sa kanya, siya yung dahilan kung bakit nagkakaganito yung pamilya namin. Galit ako sa kanya, galit na galit. Pero napagtanto ko na kawawa pala siya, bilib ako sa ka tatagan niya. Niyakap niya rin ako pabalik at mas lalong lumakas yung hikbi niya. Kumalas ako sa yakapan at binigyan si Tita ng tubig. "Oo, plano kong guluhin kayo. Plano kong maghiganti. Pero napagtanto kong hindi ko pala kaya. Gabi gabi ako pinapagalitan ni Adi, kinukwento niya na hindi naging madali ang buhay ni Ez, na pati yung bata naapektuhan." tinignan ko si Sir Adi, na ngayon ay hindi na makatingin sa'kin. "Mabuti akong tao, nasaktan lang ako." malungkot akong ngumiti kay Tita Allie pagkatapos niyang sabihin iyon. Same. "S-sorry" isa isa siyang humingi ng tawad sa amin bago siya tumayo. Aalis na ba siya? Ang hinahina niya pa dahil sa kakaiyak. "Mauna na ako. Pangakong hindi ko na kayo guguluhin pa. Kung gusto niyong puntahan si Jaikes, sabihin niyo lang sa'kin at sasamahan ko kayo. Rix, at Ezha. Pasensya na talaga. Mauna na kami" ngumiti si kuya sa kanya at tumango, tumayo na rin si Sir Adi para siguro ihatid na si Tita Allie. "Ezha, babalik ako mag usap tayo. Mauna na po kami Mr. Ledezma." yun yung huling sinabi ni Sir Adi bago sila umalis. "Kausapin mo si Mom," hindi ko siya tinignan. Alam niya kung ano ang ibig kong sabihin. "N-natatakot a-ako anak" Dapat lang. "Ez, anak kita. Alam ko yung mga iniisip mo. Tuwing hindi mo ako pinapansin, o nilalayo mo yung sarili mo sa'kin, anak, nasasaktan ako. Wala akong ibang babae, anak. Mahal na mahal ko ang Mommy niyo. Biglang bumalik si Allie, pero anak alam ko kung sino ang Mahal ko. Gusto ko lang ipakilala sa inyo yung kapatid ninyo. Mahal ko yung asawa ko. Mahal na Mahal. Mahal ko kayong lahat. Alam kong galit kayo sa'kin, nasaktan ko kayo. Pero anak, hindi niyo ba naisip yung nararamdaman ko? Nasasaktan din ako." hindi koo gustong tignan si Dad, alam kong umiiyak siya at first time ko itong nasaksihan. Niyakap ni Kuya Rix si Daddy. Hindi ko alam kung yayakap rin ba ako. Nahihiya na ako kay Dad. "Ez, anak" humihikbi pa siya kaya mas lalo akong umiyak. Walang pag alinlangang niyakap si Dad. Nagalit man ako sayo, pero mahal na mahal kita. "Pupuntahan ko ang Mommy ninyo. Alam ko kung saan siya ngayon. Pangako mga anak, aayuson namin 'to. Pangako mabubuo ulit tayo" "Ano pa ang hinhintay mo, puntahan mo na Dad" atat ha? Tumawa si Kuya kaya nakitawa na rin kami. Napadako ang tingin ko sa labas. Nandito na ulit si Sir Adi. "Kuya, Dad. Labas muna ako ha, may pag usapan pa kami ni Sir." tinignan ako ni kuya. "Pupuntahan ko ngayon ang Mommy ninyo" "Susunod kami ni Ez, Dad. Hihintayin ko lang siya." tumango ako kay Kuya. Niyakap ko ulit si Dad bago lumabas. - "Ez" tinignan ko si Sir Adi na titig na titig ngayon sa inorder niyang beer. Nandito kami sa labas, nasa loob si Kuya naghihintay. "Hmm. Sir?" Hindi kami magkadugo- ibig sabihin, puwede kami? "I'm sorry kung matagal mo nalaman ang katotohanan." "Okay lang Sir, at least ngayon diba, alam ko na. Unti unti na ring naayos ang lahat at ngayon syempre ipagpatuloy ko yung panlili-" hindi pa ako tapos sa pagsasalita ng bigla niya akong inunahan. "Ez. Hindi puwede" kaseng lamig ng hangin yung boses niya. Oo naman, hindi pa puwede sa ngayon kase diba nag aaral pa ako. Mali talaga yung teacher-student relationship, pero marami naman akong nakikita sa YouTube na real life stories eh, yung teacher niya noong highschool naging asawa niya. Kung nangyari 'yon sakanila, siguro naman mangyayari rin sa'kin diba? "Ez, gusto kita bilang estudyante. Matalino, at higit sa lahat matapang.... Pero hanggang doon lang 'yon." Huh. "Sir, alam ko! Ramdam ko Sir! Mahal mo ako, diba nag aalala ka sa'kin? Sir pag mamahal 'yon! Diba nag date tayo sa Enchanted Kingdom, bakit Sir lahat ba ng estudyante mo, dinadala at nililibre mo sa EK? Diba po nag aaalala ka sa'kin, araw araw ka nag tetext. Sir, ramdam ko alam ko na mahal mo ako!" tangina! Kakatapos ko lang umiyak, umiiyak nanaman ako! "Ezha, h-hindi-" putangina, anong hindi?! "Anong hindi Sir?! Gagawin mo ba yun lahat kung hindi mo ako mahal-" "Ginagawa ko yun kase na aawa ako sayo." napaatras ako sa sinabi niya, bulong lang 'yon na parang hindi niya gusto na marinig ko, pero potangina! May tenga ako, rinig na rinig ko! Naawa? Naawa siya sa'ken? Ginawa niya lahat ng iyon dahil nanaawa sya sa'ken? Putangina! Putangina! Putangina! "Naawa ako sayo, dahil ang bata bata mo pa, pero puno na ng galit at poot yang nasa puso mo. Sa loob ng tatlong buwan na nakasama ko si Tito Oliver, napaisip ako na siguro ang swerte ng mga anak niya... Pero nagkakamali pala ako. Ezha.. litong lito ako, pinilit lang ako ni Mama Allie para lokohin si Tito Oliver, syempre pumayag ako, napakalaki ang utang na loob ko kay Mama Allie, alam mo 'yon." tinignan niya ako sa mata, ramdam na ramdam ko na seryoso siya. "Kaya nung nalaman ko na ikaw ang anak ni Tito Oliver, binigay ko sayo ang lahat na hindi naibigay ng sarili mong pamilya sayo." nanghina ako sa mga sinabi niya. Gusto kong sumigaw, gusto kong ibuhos sa kanya ang sakit na nararamdaman ko, pero pagod na pagod na ako para gawin 'yon. Akala ko, pwede kami. Sino ba ang dapat sisihin? Syempre ako! Tangina, Ezha, maraming tao sa munod, ba't sa kanya pa? Siguro nahahawa na ako sa pagiging tanga ni Marie eh! Tangina naman kase! Akala ko katulad sa pocketbook at w*****d yung love story ko. Ganyan naman talaga yung nababasa ko ah, magkakagusto ang isang estudyante sa isang guro tapos mahuhulog rin ang loob ng teacher niya sa kanya tapos happy ending na. Bakit sa'ken, hindi? Ganoon ba ka imposible? Hindi ba talaga puwedeng ipililit? May inilahad si Sir Adi, isang maliit na sobre. Parang invitation. "Ez, ikakasal na ako next week. Sana makapunta ka"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD